Pebrero 11, 2009
Ngayong araw ay maaga kaming pumasok sa klase ni Sir Irvin upang ipagpatuloy ang panonood ng pelikulang Rizal sa Dapitan. kasbay ng aming panonood ay pinagawa kami ni sir ng reaction paper tungkol sa nasabing pelikula na sinamahan niya ng ila ng katanungan. Natapos namin ang pelikula at pinauwi na kami. Ayon s aaking mga kaklase ay sa biyernes na raw ang aming exam kaya sa biyernes na ako mag-rereview.
Thursday, February 12, 2009
Si Rizal sa Dapitan
Pebrero 9, 2009
Kaninang umaga ay sinimulan ko ang pagrereview para sa mid-term exam namin sa asignaturang Rizal subalit nagulat ako nang malaman kong hindi pala matutuloy ang aming exam ngayong araw dahil nagpasya si Sir Irvin na ipapanood sa amin ang pelikulang "Rizal sa Dapitan" na pinagbibidahan ni Albert Martinez bilang Dr. Jose Rizal. Para sa akin ay maganda ang naisip na iyon ni Sir upang mas maunawaan namin ang aming paksa. Sa kasamaang palad ay hindi namin natapos ang pelilu;a dahil sa kulang na kami sa oras.

Sunday, January 25, 2009
Enero 23, 2008
Ngayong araw ay walang nag-ulat ng kanyang paksa, pinagawa lamang kami ni sir ng isang pagbubuod tungkol sa mga naging biyahe ni Rizal. Kasali dito ang mga lugar na kanyang napunatahan, mga taong kanyang nakilala, mga dahilan ng kanyang mga pagbiyahe, ang kanyang mga isinulat, at ang mga mahahalagang kaganapan. Hindi namin natapos iyon kaya't ipagpapatuloy namin iyon sa susunod na linggo.

Wednesday, January 21, 2009
Enero 16, 2009
Ngayong araw ay ipinagpatuloy ni krishna ang kanyang ulat. pagkatapos ng kanyang ulat ay pinagawa kami ni sir Irvin ng tig-iisang tanong sa kapirasong papel, noong una ay nagtataka kami kung para saan ang mga iyon. 'yun pala ay naghanda si sir ng isang nakawiwiling laro tungkol sa mga inulat ni krishna. Hinati ni sir ang aming klase sa apat na grupo at nagkaroon kami ng parang isang quiz bee. Maganda ang naisip niya dahil nakakaantok talaga nang mga oras na iyon.

Enero 14, 2009
Ngayong araw ay nag-ulat si binibining krishna tungkol sa pangyayari sa buhay ni Rizal noong ikalawang pag-alis niya sa Pilipinas. Kabilang sa ulat niya ang mga naging karanasan ni Rizal sa Hongkong, London, USA, atbp. Sa sobrang haba ng kanyang ulat ay hindi nagkasya ang isang oras para dito kaya sabi ni sir ay ipagpapatuloy nalang ito sa susunod na meeting.

Monday, January 5, 2009
Timeline
Enero 5, 2008
ngayong araw ay pinagusapan namin ang tungkol sa mga naging reaksyon namin sa ginawa naming poster making contest sahil mayroong konting hindi pagkakaunawaan sa ilang bagay. naayos din naman kaagad iyon at ipinagpatuloy namin ang aming asignatura, hinati kami ni sair sa dalawang grupo at bawat grupo ay pinagawa niya ng isang timeline kung saan isinulat namin ang mga petsa at mga pangyayari sa buhay ni Rizal sa panahong ibinigay ni sir.

Subscribe to:
Posts (Atom)